Thursday, June 30, 2005

Inaantok

Pupunta sana ako sa gym kanina.
Kaya lang parang inaantok ako.

Kakapagod...

Tuesday, June 28, 2005

Gym

Nagpunta ako nang gym!!
Sa tagal na rin ako nag-pupunta...
Parang namumukahan mo rin yun mga regulars.

Yun iba , parang everyday andun eh!!
May mga sexy at super tight fitting ang mga suot.
Sila yun branded parati ang suot.

Hay.. kailangan ko na rin bumili pa nang additional na jogging pants.
Kakahiya kung makatabi mo sila eh...

Bakit kasi may mga salamin sa mga gym eh...
Parang gustong ipamukha sa iyo na... MATABA KA EH !!!

Isang linggo din ako di nag-punta dahil dumating ang kuya ko.
Feeling ko, kung mahinto ka nang matagal...
Medyo nahihirapan ang feeling ko.

Kailangan talaga tuloy-tuloy eh !!!
Aywan ko ba.. parang walang pagbabago eh...

Destiny sucks

Buong araw sira ang Destiny Cable...
Ano ba yan.. kakasabi ko lang kahapon...

Sa opis naman, sana mahanap ko yun nawawala!!!
Hirap ...
Dami kasi na humahawak nang envelope....
Di gaya dati eh...
Na ako lang talaga...

Hay... sana nga ...
Na-mis-placed lang yun!!!

Destiny Cable sucks

Kainis ang Destiny Cable...
Di tuloy ako maka-panood nang WIMBLEDON Tennis.

Puros football na lang pinapalabas eh...
Mayroon ba nag-lalaro nang football sa pinas !!!

Monday, June 27, 2005

Katamad mag-trabaho

Hay naku !!! Ang opis namin parang convento eh !!!
Bawal mag-salita at maingay !!!
Nakakabagot tuloy !!!

Pakulam daw kami !!!!

Ano ba naman ito nangyayari sa work ko...
Nagkaroon nang nakawan kasi sa bodega namin, may mga suspected na mga taong sinuspindi...
Siyempre mayroon nag-deny to dead na involved sila.
Mayroon naman nag-sumbong na rin para di lalo maipit...
At mayroon naman di na nag-pakita.

Isa sa kapatid nang isang di-pakita ay nag-text sa akin.
Tinatanong kung puwede kunin ang suweldo nang kapatid niya dahil may sakit DAW.
Sinabi ko at tinanong ko sa boss ko kung puwede...
Sabi niya dapat siya mismo ang kumuha, at huwag ko na lang daw i-text...

Di ko naman talaga na pinansin dahil busy din ako sa trabaho eh...
Pero biglang nakatanggap na lang ako nang text galing sa kanya na...
IPAPAKULAM KO KAYONG LAHAT...

Di ko alam kung dapat ba akong magalit , matakot o matawa eh...
Sinabi ko naman kay Maam...
As usual... Typical DEADMA na naman si Madam....
Kainis talaga siya kausap....
Mapapahiya ka lang kung kausap mo siya eh...
Hay naku kung puwede lang talaga batukan si madam...
Matagal ko nang ginawa...

Hay naku.. di naman ako ang nag-papasuweldo sa kanya ,
Bat ako ang kukulamin niya...

Sana naman di naman totoo ang bantang yan...
Di sa kulam... pero sa ibang bagay pa...
Lalo na kina madam dahil sila yun mayaman....
Katakot ang mga taong yun, buti na lang natanggal na!!!
Mga adik... paiyak iyak pa nun nang last year - kung saan nagkaroon din nang Labor problem.

Hay naku... huwag naman sana !!!

God

God !!!
Tulungan ninyo naman ako...
Alam ninyo na kung ano ang hiling ko..
Please...
Help...

:)