Monday, June 27, 2005

Pakulam daw kami !!!!

Ano ba naman ito nangyayari sa work ko...
Nagkaroon nang nakawan kasi sa bodega namin, may mga suspected na mga taong sinuspindi...
Siyempre mayroon nag-deny to dead na involved sila.
Mayroon naman nag-sumbong na rin para di lalo maipit...
At mayroon naman di na nag-pakita.

Isa sa kapatid nang isang di-pakita ay nag-text sa akin.
Tinatanong kung puwede kunin ang suweldo nang kapatid niya dahil may sakit DAW.
Sinabi ko at tinanong ko sa boss ko kung puwede...
Sabi niya dapat siya mismo ang kumuha, at huwag ko na lang daw i-text...

Di ko naman talaga na pinansin dahil busy din ako sa trabaho eh...
Pero biglang nakatanggap na lang ako nang text galing sa kanya na...
IPAPAKULAM KO KAYONG LAHAT...

Di ko alam kung dapat ba akong magalit , matakot o matawa eh...
Sinabi ko naman kay Maam...
As usual... Typical DEADMA na naman si Madam....
Kainis talaga siya kausap....
Mapapahiya ka lang kung kausap mo siya eh...
Hay naku kung puwede lang talaga batukan si madam...
Matagal ko nang ginawa...

Hay naku.. di naman ako ang nag-papasuweldo sa kanya ,
Bat ako ang kukulamin niya...

Sana naman di naman totoo ang bantang yan...
Di sa kulam... pero sa ibang bagay pa...
Lalo na kina madam dahil sila yun mayaman....
Katakot ang mga taong yun, buti na lang natanggal na!!!
Mga adik... paiyak iyak pa nun nang last year - kung saan nagkaroon din nang Labor problem.

Hay naku... huwag naman sana !!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home